Nang makilala ka ang puso ko ay tila isa nang patay na kandila
Kandila na ang mitsa'y di na sumisindi pa dahil nababad na ng luha
Ngunit dahil sa pag-ibig mo ito'y muling nabuhay at nagliyab
Apoy na kahit anong ihip o lakas ng hangin ay di natitinag
Ulan man o unos ay di ito namamatay
Nang lumisan ka'y hiniling ko na ang apoy ay muling mamatay na
Dahil ang kandilang ito'y wala nang nagmamay-ari o magmamay-ari pa
Ngunit kahit anong gawin ang apoy ay ayaw nang mamatay
Hanggang sa ang kandila ay unti-unting nauubos na
Na tulad ng buhay ay nawawala na
At hanggang sa huling siklab ay ikaw pa rin sinta

Comments
Post a Comment